LOOK: Ilang mga biyahe ng PAL kanselado sa November 20

Nadagdagan pa ang mga biyahe ng Philippine Airlines (PAL) na kanselado dahil sa isasagawang pagsasaayos ng air navigation system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, kapwa mga international at domestic flights ang nadagdag sa kanseladong biyahe ng kanilang airlines para sa November 20.

Ito ay ang sumusunod:
– PR 313 Hong Kong-Manila
– PR 538 Denpasar-Manila
– PR 655 Riyadh-Manila
– PR 2141/2142 Manila-Iloilo-Manila
– PR 2521/2522 Manila-Cagayan de Oro-Manila
– PR 2835 Manila-Cebu
– PR 2857/2858 Manila-Cebu-Manila
– PR 2861 Manila-Cebu
– PR 453/454 Manila-General Santos-Manila
– PR 1809/1810 Manila-Davao-Manila
– PR 1821/1822 Manila-Davao-Manila
– PR 1841/1842 Manila-Cebu-Manila
– PR 1863/1864 Manila-Cebu-Manila

Bukod pa dito ay nauna nang nagkansela ng mga flights ang PAL para sa kanilang mga biyahe mula November 14 hanggang 19.

Samantala, nauna naman nang sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na ang pagbabawas sa bilang ng mga flights ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Paliwanag ni Apolonio, nasa transition phase kasi ang air navigation system mula sa dating Manila ACC radar patungong CNS-ATM (Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management) system.

Read more...