Police operation nauwi sa engkwentro sa Cavite; 2 patay, isa nakatakas

Nauwi sa palitan ng putok ang ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Tabon 1 sa Kawit, Cavite.

Ayon sa Kawit Municipal Police, madaling araw ng Sabado nang ikasa nila ang naturang buy bust operation laban sa tatlong mga drug suspek.

Sa kalagitnaan umano ng transaksyon ay nakatunog ang mga target ng operasyon na pulis ang kanilang kausap, kaya naman agad silang bumunot ng baril at nagpaputok.

Gumanti ng putok ang pulisya at doon na nagsimula ang engkwentro na ikinasawi ng dalawang suspek.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodelito Pelayo alyas Toto at Artjule Sarinas.

Samantala, sakay ng isang motorsiklo ay tumakas ang ikatlong suspek na si Joey Komang.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang sachet ng shabu, isang pistol, at isang revolver.

Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang nakatakas na si Komang.

Read more...