Mga Katolikong obispo muling binanatan ni Pangulong Duterte

Duterte file

Pinatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Katolikong obispo, maging ang iba pa niyang mga kritiko na gumagamit ng relihiyon sa pagtuligsa sa kanya.

Sa talumpati ng pangulo sa Puerto Princesa, muli niyang pinatutsadahan ang mga obispo na aniya’y nagmamagaling.

Pagmamalaki ng pangulo, nag-aral siya sa Ateneo de Davao at nag-aral pa ng abugasya sa San Beda kaya hindi siya masasabihang hindi maka-Diyos.

Ayon sa presidente, hindi lamang para sa mga Katoliko, ngunit maging sa ibang mga relihiyon, huwag gamitin ang relihiyon upang siya ay atakihin o tuligsain.

Ngunit ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, maayos naman ang kanyang relasyon sa mga pari.

Read more...