Sa inilabas na Joint statement nina Senators Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Leila De Lima, Francis Pangilinan, at Antonio Trillanes, kanilang tinuligsa ang selection process at ang provisional new major player (NMP) Mislatel consortium.
Tanong nila, bakit hindi napasama sa proseso ang ibang bidder? Ito ba ay para masabi lang na dumaan sa proseso ang gobyerno?
Humatong din sila sa pagkuwestiyon sa anila’y kinalaman ng Malacañang sa isyu at para masiguro na makapagsisimula ang China Telecom sa kanilang operasyon sa unang Quarter ng 2018.
Samantala, nagdulot naman ng kalituhan sa mga netizens ang naturang pinalulutang na isyu ng oposisyon sa senado sa pagsasabing “ they did not do their homework” o hindi nila ginawa ang kanilang trabaho gayung ang buong proseso mula sa pagsusumite ng mga dokumento hanggang sa selection process ay naka-broadcast ng live sa ibat-ibang news channels at platforms.
Sa naturang araw kung saan inanunisyo ang napiling 3rd Telco ay iginiit ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa pulong sa mga mamamahayag na hindi nakialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng Ikatlong Telco.
“There was a transparent, fair, public and open selection process, done in accordance with laws, as well as with pertinent rules and regulations,” sabi pa ni Panelo.
Sa hiwalay na statements ay pinatunayan naman ang pahayag ni Panelo ng mga senador na sina Francis Escudero at Joel Villanueva kasabay nang pagbibigay-pugay sa Department of Information and Communication Technology at sa National Telecommunications Commission.
Tulad ni Escudero, naniniwala si Senator Sonny Angara na ang pagpasok ng NMP sa industriya ng tekekomunikasyon ay magpapabilis sa pagsasakatuparan ng country-wide access para sa mas magandang internet services sa bansa sa murang halaga.
Maliban sa maayos na internet connectivity at mobile services, naghayag naman sina NEDA Chief Ernesto Pernia at Rep. Lito Atienza na magdudulot ng benipisyo sa ekonomiya ng bansa ang pagpasok ng third telco sa pamamagitan ng investment partnerships at capital spending.
Sa panig naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sinabi nitong walang dapat ipag-alala ang publiko dahil may malaking papel din na ginampanan ang AFP sa pagpili ng ikatlong telco player at hindi aniya ito magiging banta sa seguridad ng bansa.
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri “I believe China Telecom is a publicly listed firm in mainland China. The books are open, they are transparent.”
Idinagdag pa nito na hindi patas na agad pagdudahan ang presensiya ng China Telecom sa Mislatel na banta sa seguridad.
Samantala, habang naka-pending ang confirmation para sa provisional NMP ay nagbukas na ang Linkedin platform para sa mga aplikante na interesadong magtrabaho sa mga gagawing proyekto Mislatel consortium.