Death toll sa California wildfires, pumalo na sa 25

 

AP photo

Umakyat na sa dalawampu’t lima (25) ang death toll sa itinuturing ngayong “most destructive fire” sa California.

Nitong Sababo (November 10), nasa labing apat (14) na bangkay ang narekober.

Nahihirapan ang forensic teams na kilalanin ang mga bangkay, kaya wala pang mailabas ang mga otoridad ng mga pangalan ng fatalities.

Aabot naman sa isang daan at sampu (110) na katao ang naiulat na nawawala.

Batay sa fire officials doon, daang-daang residente ang lumikas dahil sa tatlong major wildfires sa California.

Patuloy pa rin ang paghimok sa mga residente na magsilikas, lalo’t matindi pa rin ang sunog.

Kaugnay nito, record-number din ang mga naabong bahay at gusali, sa anila’y mala-impyernong sunog.

 

Read more...