Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, kukumpirmahin ng ahensya kung nagmula ba talaga sa South Korea ang mga basura.
Hinala ng opisyal, mayroong naganap na “misdeclaration” ng shipment.
Pagsisiguro ni Antiporda, parurusahan ang sinumang mapatunayang may pananagutan sa pagtambak ng mga basura sa ating bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Antiporda na nakitaan ng hazardous wastes ang mga basura, kaya gagawa na aniya ng aksyon ang DENR division upang hindi na ito makasamsa sa mga residente.
Batay sa inisyal na impormasyon, ang mga basura na mula South Korea ay dumating sa Mindanao Container Terminal noong Hulyo.
Ang South Korean company na Verde Soko Philippines Industrial Corporation ang consignee ng shipment, at idineklara raw ang mga basura bilang plastic synthetic flakes.