Unang haharapin ng Gilas men para sa tuneup ang koponan ng Jordan sa November 19 at 21, na susundan naman ng laban nito sa Lebanon sa November 24 at 25.
Sinabi ni Guiao na advantage sa Gilas Pilipinas na hindi na kailangan pang umalis ng bansa ang kanilang team para sa tuneup games, upang makatutok ng husto sa ensayo.
Mismong ang mga national team ng Jordan at Lebanon din aniya ang nagpasyang magtungo sa Maynila para sa tuneup games.
Wala namang balak ang Gilas men na tumigil sa kanilang practice, dahil nalalapit na rin ang FIBA World Cup Asian Qualifiers 5th window schedule.
Sa November 30, magaganap ang Gilas Pilipinas versus Kazakhstan habang sa December 3 naman ang Gilas Pilipinas versus Iran.
Kamakailan lamang ay inanusyo ni Guiao ang kanyang napiling 20-man player pool.