JM De Guzman, naging sirena?

Aliw na aliw ang fans ng ipinost na litrato ng Kapamilya actor na si JM de Guzman, kung saan mayroon siyang “buntot.”

Sa nasabing larawan na may caption na “Last Fool Show”, makikitang nasa dagat si JM na naka-pose pa ng mala-sirena.

Ayon sa isang fan, “kinabog ang mga beshie ko,” habang may nag-comment pa na “gwapong sirena” si JM.

Ang aktor ay nasa Boracay kamakailan para sa shooting ng isang pelikula, kasama ang bagong leading lady na si Arci Munoz.

Busy rin si JM sa pagpromote ng kanyang latest film, ang “Kung Paano Siya Nawala,” katambal naman si Rhian Ramos.

Read more...