Sa 4am weather update ng PAGASA, ang northeasterly surface windflow at easterlies pa rin ang weather systems na nakakaapekto sa bansa.
Ngayong araw, makararanas ng pulo-pulong mahihinang mga pag-uulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa epekto ng northeasterly surface windflow.
Sa Eastern at Central Visayas, CARAGA, Davao Region at Northern Mindanao ay makararanas pa rin ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil pa rin sa easterlies.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan pa rin ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.