Ito ay dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng imported na langis sa world market.
Dahil dito, ito na ang ikalimang sunod na rollback sa presyo ng oil products.
Matatapyasan ng P2.40 hanggang P2.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Ang presyo ng diesel naman ay mababawasan ng P2.00 hanggang P2.10 kada litro.
Habang ang bawas presyo sa kerosene o gaas ay papalo sa P1.70 hanggang P1.80 kada litro.
Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.
MOST READ
LATEST STORIES