Duterte: ‘Pangilinan, pinakabobo sa lahat’

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Liberal Party President at Sen. Francis Pangilinan dahil sa kanyang juvenile justice law.

Sa talumpati ng pangulo sa kauna-unahang ‘Subaraw Biodiversity Festival’ sa Puerto Princesa, Palawan, tinawag ni Duterte na pinakabobo sa lahat ng abogado si Pangilinan.

“If you do not have anything to say except to criticize like Pangilinan, well, I’m sorry, pero shut up… ikaw yung abogadong alam kong pinaka-bobo sa lahat,” ani Duterte.

Ito anya ay dahil sa paggawa ng senador ng batas na pumipigil na makulong ang mga batang nakagawa ng krimen.

Si Pangilinan ang may-akda ng R.A 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na nagbibigay exemption sa mga menor de edad o 15 taon gulang pababa sa criminal liability.

Giit ni Duterte, hindi mapanagot ang mga bata kahit pa sa kasong genocide dahil sa batas ni Pangilinan.

“Hindi mo talaga ma-detain ang bata whatever the crime may be. It could even be genocide. Walang sasagutin.” dagdag ng presidente.

Read more...