Ayon sa Phivolcs, unang naitala ng isang magnitude 3.0 na lindol sa Cateel, Davao Oriental alas-12:01 ng hatinggabi.
Ang episentro nito ay sa layong 19 na kilometro Timog-Kanluran ng Cateel at may lalim na siyam na kilometro.
Alas-12:19 naman nang tumama ang isang magnitude 3.3 na lindol sa Looc, Occidental Mindoro.
Ang episentro ay sa layong 31 kilometro Timog-Kanluran ng Looc at may lalim na 24 kilometro.
Muli namang niyanig ng lindol ang Davao Oriental ganap na alas-12:27.
May lakas itong magnitude 3.5 at ang episentro ay sa layong 25 kilometro Hilagang-Silangan ng Governor Generoso.
May lalim itong 25 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng naturang mga lindol na hindi naman nakapagtala ng aftershocks.
Wala ring pinsala sa mga ari-arian na dulot nito.