Hindi bababa sa pitong trak ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang clean-up drive, Sabado ng umaga.
Kabuuang 34.31 na tonelada ng basura ang nahakot ng 200 na street sweeper sa bahagi ng southbound lane ng Roxas Boulevard.
Ilan sa mga nakuha ay ang mga kawayan at kahoy na dinala ng alon mula sa malalapit na fish pen, water lily, mga plastic at iba pa.
Tinawag ni MMDA Metro Parkways Clearing Group head Francis Martinez na “eyesoar” ang Manila Bay dahil sa mga nakalutang na basura dito.
Dahil dito, pinaalalahanan ni Martinez ang publiko sa maayos na pagtatapon ng basura.
Dinala naman ang mga nakolektang basura sa Pier 18 para dalhin sa sanitary landfill.
Ang naturang Manila Bay clean-up drive ay bahagi ng 43rd anniversary celebration ng MMDA.