Search ops sa mga biktima ng Lion Air crash, itinigil na

AP photo

Itinigil na ng mga otoridad sa Indonesia ang search operations sa mga biktima ng bumagsak na Lion Air plane noong October 29.

Ayon kay Basarnas head Muhammad Syaugi, nasuyod na ang lahat ng lugar na dapat paghanapan sa mga biktima.

Lilimitahin na rin aniya ang operasayon sa pag-monitor sa lugar.

Batay sa datos, sinabi ni Syaugi na 196 na bangkay ang narekober sa lugar kung saan 77 sa mga biktima ang nakilala matapos ang isinagawang forensic examination.

Matatandaang bumagsak ang eroplano ilang minuto lang matapos mag-take off sa Jakarta patungong Bangka Island malapit sa Sumatra.

Read more...