Inihayag ni Vice President Leni Robredo na wala siyang ambisyong tumakbo sa pagka-presidente sa 2022.
Sa kaniyang talumpati sa Mandaluyong, sinabi ni Robredo na naniniwala siyang nakatadhana ang pagkamit sa naturang posisyon.
Maging ang kaniyang pagiging pangalawang pangulo ay hindi aniya niya pinangarap.
Aniya pa, hindi siya pumasok sa pulitika para makamit ang isang ambisyon.
Ipinunto ni Robredo na mayroong “greater purpose” sa kaniyang pagkakahalal at ito ay ang pagseserbisyo para makatulong sa publiko.
Matatandaang kinontra ni dating Sen. Bongbong Marcos ang pagkapanalo ni Robredo sa posisyon.
Sa ngayon, pending pa ang mosyon sa Korte Suprema ukol dito.
MOST READ
LATEST STORIES