Ang nasabing kaso ni Lapid ay may kaugnayan sa P4.2 million fertilizer fund scam.
P30,000 cash ang inilagak na piyansa ni Lapid.
Sa nasabing kaso, overpriced umano ang mga fertilizer na binili ni Lapid para sa Pampanga noong siya ay gobernador pa ng lalawigan.
Maliban kay Lapid, akusado rin sa nasabing kaso ang provincial accountant na si Benjamin Yuzon, provincial treasurer na si Vergel Yabut, incorporator ng Malayan Pacific Trading Corp. na si Ma. Victoria Abubakar at Leolota Aquino at Proprietor ng D.A. Vasquez Macro – Micro Fertilizer Resources na si Dexter Alexander Vasquez.
Sinabi ng Ombudsman na nagsabwatan ang mga akusado para sa pagbili ng Pampanga Provincial Government ng 3,880 liters ng fertilizer mula sa Macro Micro Foliar Fetilizer at pinamahagi sa Pampanga.