Sa petisyon na isinampa ni dating University of the East College of Law Dean Amado Valdez, sinabi nitong hindi ‘qualified’ si Poe na tumakbo bilang presidente ng bansa.
Dalawang grounds ang binanggit na argumento ni Valdez sa kaniyang petisyon.
Ayon kay Valdez, una, ay nawala na ang ‘natural born status’ ni Poe nang kaniyang i-renounce ang kaniyang Filipino citizenship noong taong 2001 para maging isang American citizen.
Nabigo rin umano si Poe na makuha muli ang kanyang natural born status at kung meron man, si Poe ay isa lamang repatriated Filipino citizen.
Ikalawang argumento ni Valdez ay hindi umano nakumpleto ni Poe ang kanyang 10-year residency sa Pilipinas na kung bibilangin mula July 2006 nang kaniyang ma-reacquire ang Filipino citizenship ay kapos pa rin siya ng ilang buwan pagsapit ng May 2016 elections.
Ito na ang ikalimang petisyon laban kay Sen Poe.
Nauna nang naghain ng petisyon na kumukwestyon sa kandidatura ni Poe sina Rizalito David, Estrella Elamparo, dating senador Kit Tatad, Professor Antonio Contreras at at ang ikalima nga ay ang petisyon ni Valdez.