15 pamilya nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Quiapo, Maynila

INQUIRER.net Photo | Faye Orellana

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Vergara corner Duque de Alba streets, Quiapo, Maynila alas-6:49 Biyernes ng gabi.

Ayon kay Senior Fire Inspector Lucio Albarase, pawang gawa sa light materials ang naabong mga bahay kung saan 15 pamilya ang nawalan na ng matitirhan.

Hindi pa anya matukoy ang sanhi ng sunog ngunit tinatayang nasa P100,000 ang iniwan nitong pinsala.

Iginiit ni Albarase na nahirapan din ang mga bumbero na apulahin agad ang apoy dahil sa makipot na mga daan.

Nagpahirap din sa kanilang operasyon ang dami ng sidestreets vendors sa bawat kanto.

Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog at tuluyang naapula alas-8:08 ng gabi.

Read more...