Ito ay upang tumulong sa mga traffic enforcers sa inaasahang masikip na daloy ng trapiko ngayong holiday season.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, kailangangang palakasin ang manpower sa Metro Manila dahil inaasahang tataas sa 20 percent ang bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa holiday rush.
Giit ni Garcia, malaking tulong ang 80 traffic auxiliaries kada lungsod para imando ang trapiko sa mga critical areas.
Samantala, nagbabala ang opisyal na mag-iisyu ng ticket ang traffic officials sa mga sasakyang iligal na naka-park at nakahambalang sa mga kalsada.
Pinatitiyak din sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng one-side parking para makabawas sa trapiko sa kanilang mga lugar.