Kiltepan Peak sa Sagada, pansamantalang isinara

May balak ba kayong bumisita sa Sagada upang masaksihan ang sunrise sa Kiltepan Peak o lugar na naging tanyag dahil sa pelikulang “That Thing Called Tadhana” nina Angelica Panganiban at JM de Guzman?

Naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Sagada na pansamantalang sarado sa mga turista ang Kiltepan Peak kasunod ng sunog na naganap doon noong Huwebes.

Sa post ng Sagada Municipality sa Facebook kahapon (November 9), sinabi nito na ang lahat ng “tours” sa Kiltepan Peak ay “temporarily prohibited until further notice.”

Maaaring bisitahin ang Tourist Information Office para sa alternatibong lugar para sa sunrise viewing.

Noong Huwebes ng gabi (November 8) nasunog ang isang building at isang restaurant malapit sa lugar kung saan karaniwang inaabangan ng mga bisita ang sunrise sa Kiltepan Peak.

Patuloy na iniimbestigahan ng Sagada Police ang insidente, lalo’t may nakita na lalagyan na may lamang gasolina sa isang building.

Wala namang nasugatan o nasawi sa sunog.

Read more...