Mga lalabag sa SRP sa bigas, parurusahan

Kuha ni Jan Escosio

Epektibo na kahapon, araw ng Biyernes ang implementasyon ng suggested retail price (SRP) ng bigas kaya simula na rin ang pagpataw ng parusa sa mga lalabag dito.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, magtatalaga ang National Food Authority (NFA) ng mga pulis at mga inspector gayundin ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) para imonitor ang pagsunod ng retailers sa SRP sa bigas.

Magbabantay anya ang mga ito sa Metro Manila at sinumang lumabag ay bibigyan ng written warning sa first offense.

Kakanselahin naman ang lisensya ng rice retailer at pagmumultahin kapag lumabag sa pangalawang beses.

Dagdag ni Piñol, color-coded na ang mga bigas kung saan puti ang regular at well-milled rice, dilaw ang premium grade at asul ang special rice kaya huhulihin na ang mandaraya sa label at presyo ng bigas.

Read more...