Public school teachers may bonus sa anniversary ng DepED sa Disyembre

Bagamat hindi pa napagbibigyan ang hiling ng mga guro sa mga pampublikong paaaralan na dagdag sweldo o performance bonus, magiging masaya pa rin ang kanilang Pasko dahil magkakaroon sila ng P3,000 bonus bilang selebrasyon ng anibersaryo ng Department of Education (DepEd) sa Disyembre.

Sa circular na may petsang November 6, naglabas ang DepEd ng mga alituntunin ukol sa paglalabas ng P3,000 anniversary bonus for 2018.

Ito ay alinsunod sa umiiral na administrative order na pinapayagan ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng naturang bonus sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, naglaan sila ng kabuuang P2.8 billion para sa bonus ng kanilang mga tauhan kabilang ang mga public school teachers at staff.

Bukod sa bonus, inaasikaso na ng DepEd na itaas ang tinatawag na “chalk allowance” o cash allowance ng mga guro sa P5,000 mula sa P3,500 at target ng ahensya na maibigay ito sa 2019.

Read more...