Ayon sa Sandiganbayan, mayroong mga ebidensya na bumuo si Marcos ng 7 Swiss foundations na pinakinabangan lamang ng kanyang pamilya.
Sa desisyon ng Sandiganbayan Fifth Division, binuo ang Maler Establishment, Trinidad Foundation, Rayby Foundation, Palmy Foundation, Vibur Foundation, Aguamina Foundation at Avertina Foundation para pakinabangan ng Pamilya Marcos.
Bagamat pinangalanan umanong foundation, ang mga ito ay itinayo para magbukas ng bank accounts at magsagawa ng deposits, transfer of funds, magkaroon ng interest at kumita sa investment para sa benepisyo ng mga Marcos bilang beneficiaries.
Nakasaad din sa desisyon ng korte na naging bahagi si Marcos ng pamumuno sa ilang non-government organizations sa Switzerland mula 1978 hanggang 1984 noong siya ang Minister of Human Settlements, Metro Manila Governor at interim member ng Batasang Pambansa.
Si Ginang Marcos, ang biyuda ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ay bawal na makisali sa naturang mga negosyo alinsunod sa batas.