Pangulong Duterte hindi makikialam sa hatol ng Sandiganbayan kay Imelda Marcos

Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa guilty verdict kay dating First Lady Imelda Marcos kaugnay ng kasong graft.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, iginagalang ng Pangulo ang rule of law.

Hindi anya makikialam ang ehekutibo sa hudikatura alinsunod sa polisiya na papanagutin ang sinumang lumabag sa batas.

Dagdag ni Panelo, hindi kinikilala ng Pangulo ang relasyon, pagiging alyado at pagiging kaibigan pagdating sa paglabag sa batas.

Sinusunod anya ni Pangulong Duterte ang prinsipyo na kung nilabag mo ang batas ay kailangan mo itong panagutan.

Dahil hindi pa final and executory ang pagpapa-aresto ng Sandiganbayan kay Marcos ay hihintayin na lang ng Malakanyang ang pinal na desisyon mula sa Korte Suprema.

Read more...