Sa ilalim ng “Salary Standardization Law of 2015” may nakalaang P226-billion na compensation increase para sa mga manggagawa sa public sector na ibibigay ng apat na hati o bahagi.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Butch Abad, isinumite sa kongreso ang nasabing panukala para sampag-apruba. Sakop din ng salary hike ang nasa 1.53 million civilian, military at uniformed personnel.
Sa ilalim ng compensation package, bibigyan ng dagdag sweldo, mid-year 14th month pay, at enhanced performance-based bonus (PBB) system ang mga manggagawa sa gobyerno.
Kung maaaprubahan ang panukalang batas, ang mga empleyado sa gobyerno ay inaasahang makatatanggap ng aabot sa 27 percent na dagdag sa kanilang sweldo.
Ang enhanced PBB naman na ibibigay ay katumbas ng isa hanggang dalawang buwang sahod ng isang manggagawa.
Ang unang bahagi ng salary adjustment ay epektibo sa Jan. 1, 2016, at ang susunod na tatlong bahagi ay sa January 2017, January 2018 at January 2019.
Sa ilalim ng compensation adjustment strategy ng Salary Standardization Law of 2015, ang minimum basic salary (SG 1) ay makakakuha ng pagtaas mula sa P9,000 ay magiging P11,000 kada buwan.