Sa pahayag ng kampo ni Marcos, nakasaad na katatanggap lamang nila ng kopya ng desisyon ng 5th division ng Sandiganbayan.
Nataon naman umano na ang Attorney for Record ni Marcos na si Atty. Robert Sison ay naka-confine sa Asian Hospital.
Sinabi ni Marcos na pansamantala, si Justice Lolong Lazaro na dati na rin niyang legal counsel ang magsisilbi niyang abogado.
Pinag-aaralan na ngayon ni Lazaro ang desisyon ng Sandiganbayan at nakatakda itong maghain ng motion for reconsideration sa korte.
MOST READ
LATEST STORIES