Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga nasawi sa pamamaril sa California.
Sa pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipinahahatid ng Pilipinas ang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi.
Sinabi rin ni Panelo na kinumpirma ng Department of Affairs (DFA) na isang Filipino-American na si Alaina Punzalan Housley ang nasawi sa pamamaril.
Patuloy din aniya ang pag-monitor ng Philippine Consulate General sa Los Angeles sa mga development sa insidente.
Nakikipag-ugnayan ang konsulada sa Filipino-American community doon upang alamin kung may iba pang Pinmoy na nadamay.
Mayroong 25,879 na Filipino at Filipino-Americans na naninirahan sa Ventura County.
MOST READ
LATEST STORIES