Sunog sa naval base sa Sangley Point Cavite iniimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng Philippine Navy ang dahilan ng sunog na naganap sa naval base ng Sangley Point, Cavite City.

Ayon kay Navy Spokesperson Cdr. Jonathan Zata, inaalam na nila kung ano ang pinag-ugatan ng sunog.

Ang sunog ay naganap sa isa sa mga igloos o imbakan sa Naval Ordnance Depot sa Heracleo Alano Naval Base alas 5:00 ng madaling araw ng Biyernes, Nov. 9.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.

Laman ng imbakan ang mga bala para sa hindi matataas na kalibre ng baril.

Read more...