Carigara, Leyte niyanig ng Magnitude 3 na lindol

Leyte Nov 9Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang bahagi ng bayan ng Carigara sa lalawigan ng Leyte.

Naganap ang pagyanig alas 9:05 ng umaga ngayong araw ng Lunes, November 9, at naitala ito sa 5 kilometers South ng Carigara.

Bagaman mahina lamang ang magnitude, naramdaman pa rin ang Intensity 3 sa Kananga, Leyte at Ormoc City.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at walang inaasahang aftershocks o pinsala dahil sa nasabing lindol.

Read more...