Tumaas ng 8.4 percent ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan nitong nagdaang Undas kumpara noong nakaraaang taon.
Sa datos na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG), mula sa 1,832,437 noong 2017 ay nakapagtala ngayon ng outbound passengers sa mga pantalan na umabot sa 1,987,140.
Ito ay katumbas ng 8.4 percent na pagtaas o 154,703 na mga pasahero.
Pinakamaraming bumiyahe noong October 31, na bisperas ng Undas.
Ang limang lugar naman na may pinakamatataas na bilang ng mga pasaherong bumiyahe ay ang Davao, Iloilo, Cebu, Aklan, at Bohol.
READ NEXT
Dating first lady Imelda Marcos, hindi dapat bigyan ng VIP treatment ng gobyerno – Colmenares
MOST READ
LATEST STORIES