Dating first lady Imelda Marcos, hindi dapat bigyan ng VIP treatment ng gobyerno – Colmenares

INQUIRER FILE PHOTO

Hindi dapat bigyan ng gobyerno ng “VIP treatment” si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na hinatulang guilty ng Sandiganbayan kaugnay sa kasong katiwalian dahil sa koneksyon nito sa ilang Swiss-based foundations.

Ayon kay Bayanmuna Chairman Neri Colmenares, walang karapatan para sa anumang espesyal na pagtrato si Marcos na matagal nang sangkot sa kurapsyon at human rights abuses katuwang ang yumaong asawa nito at diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Dagdag ni Colmenares, na isang abogado, hindi maaaring i-avail ni Marcos ang probation law dahil ang parusang ipinataw sa kanya ay pagkakakulong ng higit anim na taon.

Para kay Colmenares, “welcome” sa kanya ang hatol ng Sandiganbayan kay Marcos.

Bagama’t delayed, itinuturing ni Colmenares na tagumpay ito para sa sambayanan, lalo na para sa mga biktima ng pamilya Marcos.

Pero umaasa si Colmenares na mapapanagot din ang Marcos family sa iba pang mga kaso at ginawang pagnanakaw umano ng mga ito sa bayan.

Subalit sa ngayon, marapat na arestuhin kaagad at maikulong ang dating first lady, dahil matagal na raw naghihintay sa kanya ang bilangguan.

Read more...