Rep. Imelda Marcos ipinaaresto din matapos hatulang guilty sa kasong graft

Kasunod ng hatol na guilty sa pitong bilang ng kasong graft ni Rep. Imelda Marcos, ipinag-utos din ng Sandiganbayan ang pag-aresto dito.

Ito ay makaraang kanselahin ng Sandiganbayan ang bail bond na nauna nang inilagak ni Marcos nang isampa sa kaniya ang mga kaso.

Pero ayon kay Assistant Special Prosecutor Rey Quilala maaring ma-lift pa rin naman o mabawi ang arrest order sa dating unang ginang dahil hindi pa naman pinal ang conviction sa kaniya.

Sinabi ni Quilala na maari pa kasing maghain ng apela si Marcos.

Batay sa procedure, pinapayagan ng Sandiganbayan ang provisional liberty ng convicted na indibidwal habang nakabinbin ang apela.

Read more...