Ayon kay Villarin, naging target si Ramos dahil umano sa pagprotekta niya at pagsisilbing abogado sa mga magsasaka laban sa human rights violators.
Naniniwala rin siyang inudyukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga salarin para patayin ang abogado bunsod na rin ng mistulang pagtaguyod umano niya sa karahasan.
Nangangamba si Villarin na patuloy na iiral ang kultura ng kalayaan sa pamamaslang sa bansa kung saan manganganib ang buhay ng mas maraming abogado, community leaders, babae at kabataan.
Nananawagan naman siya na imbestigahan agad ang kaso ng pagpatay kay Ramos pati na sa iba pang human rights defenders at panagutin ang mga may sala.