Alok para pamunuan ang DICT tinanggap na ni Honasan

Tinanggap na ni Sen. Gringo Honasan ang alok ni Pangulong Duterte na pamunuan niya ang Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ang pagtanggap ay kinumpirma sa isang pahayag ni Honasan na ipinost sa official Twitter account ng Senado.

Sinabi ni Honasan na para sa ikaaayos ng serbisyo ng gobyerno, para sa sambayanan at para sa kinabukasan ng mga kabataan, nagpasya siyang tanggapin ang alok ng pangulo.

“For a better Philippines, a better government, for the Filipino people, and for a better future for our most precious children, I have decided to accept the offer of the President to help lead the DICT,” ani honasan.

Una nang kinumpirma ni Pangulong Duterte na pinili niya si Honasan para sa nasabing pwesto.

Nakatakdang manumpa si Honasan para ganap na makapanungkulan sa nasabing pwesto.

Read more...