Filipina girl group na 4th impact pasok na sa top 9 ng X Factor UK

Nakalusot ang All-Filipina group na 4th impact sa double elimination round ng The X Factor UK.

Sa isinagawang elimination matapos ang ikalawang live show noong Sabado, unang naideklarang ‘safe’ o ligtas sa tanggalan ngayong linggo ang 4th impact.

Pasok din sa top 9 sina Max Stone, Louisa Johnson, Reggie N Bollie, Monica Michael, Che Chesterman, Lauren Murray, at Anton Stephans.

Inanunsyo namang nasa bottom 3 si Mason Noise, Kiera Weathers at si Seann Miley Moore.

Ang may pinakamababang nakuhang boto ay si Kiera Weathers dahilan para siya ang unang matanggal.

Sunod na inanunsyong matatanggal ay si Moore. Ang 24 anyos na si Moore ay may dugo ring Pinoy dahil ang kaniyang ina ay Filipina.

Read more...