PNP at PDEA, pinayuhang huwag patayin ang street pushers

Pinayuhan ni Sen. Panfilo Lacson ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na huwag patayin ang mga street pusher kundi sila ay arestuhin.

Sa Twitter ay sinabi ni Lacson na ang mabuting gawin ng PNP at PDEA ay gamitin ang street pusher na ituro nito ang big time supplier saka tapusin ang trabaho sa pamamagitan ng pag-engage sa mga drug supplier sa shooutout.

Si Lacson, na naging PNP chief mula 1999 hanggang 2001, ay inalok ang naturang formula para maging malakas ang kampanya ng dalawang ahensya laban sa droga.

Nangangahulugan anya ito na hindi lang pagtugis sa mga street pusher kundi paghuli rin sa mga supplier ng droga.

Una nanag hinimok ng Senador ang PDEA at Dangerous Drugs Board (DDB) na mag-focus sa mga big fish.

Read more...