Habang hindi gaanong nakalaro si Fajardo sa PBA Governors’ Cup, unti-unting nanguna si Pringle sa MVP race.
Ito ay matapos na makakuha si Pringle ng 35.5 statistical points, mas mataas sa 33.2 statistical points ni Fajardo.
Si Fajardo, na nakuha na ang 4 na MVP trophies sa magkakasunod na taon, ang stats leader sa buong season pero sinamantala ni Pringle ang pagkawala nito para maging lehitimong MVP contender.
Pangatlo naman si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar sa 32.9 statistical points na sinundan ng teammate ni Pringle na si Sean Anthony na may 31.3 statistical points.
Samantala, front runner para sa Most Improved Player award ang isa pang Gin King na si Scottie Thompson sa naitala nitong 30.8 statistical points.
Nangunguna naman sa labanan sa Rookie of the Year si Phoenix forward Jason Perkins na may 23.4 statistical points.