AFP at PNP pinuri ni Duterte sa pag-aresto kay Vic Ladlad

Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar at pulisya sa pag-aresto kay National Democratic Front (NDF) consultant Vic Ladlad.

Sa pulong sa mga security officials at mga lider ng indigenous groups sa Malakanyang, pinuri ng Pangulo ang pag-aresto ng Armed Force of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kay Ladlad.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang militar ay pulisya na binigyan siya ng pagkakataon na makausap ang mga katutubo gaya ng mga Lumad.

Inaresto si Ladlad dahil sa umanoy illegal possession of firearms.

Si Ladlad ay isa sa mga nakulong na NDF consultants pero binigyan ng pansamantalang kalayaan para makasama sa peace talks.

Pero tinapos ng administrasyong Duterte ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista noong November 2017 dahil sa patuloy na pag-atake ng New People’s Army sa mga tropa ng gobyerno.

Dahil dito ay inutos na ng gobyerno ang muling pag-aresto sa mga NFD consultants at ibang communist personalities.

Read more...