Higit 100,000 bahay sa Mindanao, magkakaroon na ng kuryente

Mabibigay na ng kuryente ang mahigit 100,000 na kabahayan sa Mindanao partikular sa Bangsamoro region.

Mabibigyan ng suplay ng kuryente ang mga kabahayan sa Sitio New Mabuhay at libu-libong kabahayan sa iba pang off-grid areas sa bansa.

Pinangunahan nina European Union (EU) Head of Development Cooperation Mr. Enrico Strampelli at Department of Energy (DOE) Undersecretary Felix William Fuentebella ang idinaos na Switch-On Ceremony sa bahagi ng DASURECO compound sa Digos City, Davao del Sur noong November 8, 2018.

Ipinagkalooban ng EU ang gobyerno ng €60 million para sa implementasyon ng programa na makatutulong sa pagbibigay ng suplay ng kuryente sa remote areas.

Maliban dito, sumasalamin din ang proyekto sa mabuting paggamit ng renewable energy para sa paglago ng income generation sa rural communities.

Ang naturang electrification at livelihood project ay suportado ng DOE at EU sa pamamagitan ng Access to Sustainable Energy Programme (ASEP).

Sa ilalim ng Photovoltaic (PV) Mainstreaming program ng ASEP, aabot ng 40,5000 na solar home systems (SHS) na may 50-watt peak capacity ang ikakabit sa iba’t ibang komunidad sa Mindanao.

Sa ngayon, natapos na ang pag-install ng SHS sa Sitio New Mabuhay, Barangay Little Baguio sa Malita, Davao del Sur.

Mahigit 100 na kabahayan na ngayon ang nabebenepisyuhan ng kuryente mula sa solar PV.

Sa kaniyang ipinadalang mensahe, nangako naman si Energy Secretary Alfonso Cusi na ipagpapatuloy ng kagawaran at katuwang na stakeholders ang mga proyekto para sa benepisyo ng mga Pilipino sa iba’t ibang remote area sa bansa.

Read more...