Promulgation sa plunder case ni dating Sen. Bong Revilla itinakda na ng Sandiganbayan

Dedesisyunan na ng Sandiganbayan ang kasong kriminal laban kay dating Senator Bong Revilla Jr.

Sa inilabas na supplemental order ng Sandiganbayan 1st division, itinakda ang promulgation para sa P224.5 million plunder case ni Revilla sa December 7, araw ng Biyernes.

Gagawin ang promulgation alas 8:30 ng umaga.

Ang utos ay nilagdaan nina Sandiganbayan Justices Efren Dela Cruz, Geraldine Faith Econg at Edgardo Caldona.

Read more...