Bago naaresto, NDFP Consultant Vic Ladlad napaulat na dinukot at nawawala

Bago inaresto napaulat muna na dinukot at nawawala si NDFP Consultant Vic Ladlad.

Sa mga kumalat na post sa social media, humingi umano ng tulong ang misis ni Ladlad.

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni dating Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casino, na dinukot si Ladlad sa bahay ng kaniyang kaibigan sa San Bartolome sa Novalices, Quezon City. 

Umapela ng tulong ang misis ni Ladlad dahil baka taniman daw ito ng ebidensya.

Nakasaad din sa apela na si Ladlad ay chronic asthmatic dahil sa kaniyang emphysema at kailangang lagi itong nakakainom ng gamot.

Makalipas naman ang ilang oras, inilabas ng Philippine National Police ang impormasyon na dinakip si Ladlad.

May nahuli din umanong mga armas sa pag-iingat ng NDFP consultant.

Read more...