Inaresto ang isa sa mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Vic Ladlad.
Ang pagdakip ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa isang bahay sa San Bartolome sa Novaliches sa Quezon City.
Ang pag-aresto ay naganap alas 3:00 ng madaling araw ng Huwebes, Nov. 8.
Armardo ng search warrant at warrant of arrest ang mga pulis at sundalo na umaresto kay Ladlad.
Sa ngayon nasa Camp Karingal si Ladlad at nakatakdang magpatawag ng press briefing ang NCRPO para ilahad ang detalye ng pagdakip sa NDFP Consultant.
READ NEXT
Drug testing sa mga estudyante at mga kumpanya OK lang kung random at hindi mandatory – Sotto
MOST READ
LATEST STORIES