Welcome sa Globe Telecom at PLDT-Smart ang pagpasok ng bagong major player sa telecommunications sector.
Inaasahan na ang pagpasok ng third telco player na Udenna-China Telecom ay wawasak sa duopoly ng dalawang telco giants at magpapaganda sa serbisyo ng internet sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ng PLDT na normal ang kompetisyon sa isang lipunang malaya at makikinabang naman dito ay ang mga consumers, industriya at ang buong bansa.
Tiniyak naman ng PLDT na handa sila na makipagkompetensya.
Ayon naman kay Globe general counsel Froilan Castelo, ikinatuwa nila ang naging matagumpay na selection process na ginawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ani Castelo, umaasa sila na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno sa existing telcos tulad ng Globe na patuloy na nagseserbisyo sa higit 67 milyong subscribers sa bansa.
Samantala, ang Udenna-China Telecom ay provisional telco pa lamang at kailangan pang sumailalim sa tatlong-araw na verification process para maisapinal na bagong major player.