Nanalo ang Democrat candidate na si Rep. Jackie Speier bilang kinatawan ng 14th Congressional District ng California.
Tinalo niya ang Republican candidate na si Cristina Osmeña na isang Filipino-American.
Sa kabuuang 36.7 percent na reported turnout sa halalan ay nakakuha si Speier ng 75.8 percent na boto laban sa 24.2 percent ni Osmeña.
Sa kabuuan ay nasungkit ng Democrats ang majority ng House votes na may katumbas na 218 seats.
Sa kanyang website, sinabi ni Osmeña na isa siyang immigrant at political refugee na mula sa Pilipinas.
Taong 1986 nang magpunta sa US ang kanyang pamilya at mula noon ay doon na siya nanirahan.
Si Osmeña ay nagtapos ng Bachelor of Arts sa UC Berkeley at nagtrabaho bilang financial analyst sa ilang investment banks at management firm.
Siya ay kasal sa isang US military man.
Si Osmeña ay apo ni dating Pangulong Sergio Osmeña at anak ni dating Sen. Serge Osmeña.