Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na ito ay kahit nasa mahigit $70 kada bariles na lamang ang presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Sa ilalim ng train law, maari lamang suspendihin ang paniningil sa excise tax kapag pumalo na sa $80 kada bariles ang presyo ng produktong petrolyo sa loob ng tatlong buwan.
Gayunman, sinabi ni Cusi na oras na maipatupad na ang suspension sa excise tax sa 2019 ay agad na magsasagawa ng pag-aaral ang economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte para alamin kung hanggang kailan iiral ang suspension.
Magugunitang isinisi ng oposisyon sa excise tax ang paglobo ng inflation sa bansa na may kaugnayan pa rin sa implementasyon ng Train Law.