Batay sa inaprubahang resolusyon ng COA, sa loob ng pitong buwan ay hindi muna magsasagawa ang komisyon ng fraud and special audit upang hindi magamit ang COA sa anumang uri ng pamumulitika, partikular sa panahon ng halalan.
Ayon sa COA, marami silang natatanggap na reklamo at request para sa special at fraud audit laban sa mga kandidatong tumatakbo sa national at local polls, kasama na ang mga nomindado ng iba’t ibang partylist groups.
Gayunman, sinabi ng COA na mainam na ihinto muna ang nabanggit na audit upang mapanatili ang political neutrality ng komisyon bilang isang independent constitutional body.
Nililinaw din ng COA na sakop ng resolusyon ang panahong mula sa filing ng certificate of candidacy o COC noong October 11 hanggang sa araw ng midterm elections sa May 13, 2019.
Magpapatuloy naman ang initial assessment o evaluation sa mga request para sa fraud and special audit kontra sa mga kandidato, pero hindi maidederesto sa tuluyang audit.
Ang mga naumpisahan na ang fraud and special audit bago makapaghain ng COC ang inirereklamong kandidato ay itutuloy din ng COA.