May kaugnayan ito sa pagpili ng pamahalaan sa susunod na telecom player sa bansa.
Nauna dito ay hindi nakalusot sa pre-qualification bid ang Tier1 at Philippine Telegraph and Telephone Corp (PT&T).
Kapwa nagsabi ang PT&T at ang Tier1 na sila ay aapela sa hukuman para mapasama sa bidding process.
Sinabi naman ni NTC selection process chairman Ella Lopez na dadaan pa rin sa evaluation ng kanilang grupo ang technical capability ng Udenna Corp.
Ang Mislatel Consortium ay joint venture ng Udenna Corp. na pinamumunuan ni Uy.
Nakalista sa kanilang isinumiteng pre-bidding documents na subsidiary ng nasabing kumpanya ang Chelsea Logistics Corp. na siya namang kapartner ng Chinese state-owned na China Telecommunications Corp.
Si Uy ang chief executive officer at pangulo ng Phoniex Petroleum at kilalang kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nang ianunsyo ng pangulo ang hangarin niyang magkaroon ng isa pang player sa telecom industry ay nagpahayag rin ng kahandaan na sumali sa bidding process ang ilang mga kumpanya.
Kinabibilangan ito ng AMA Telecommunications, Converge, Mobitel Holdings GmbH, NOW Telecom, Telenor ASA Group, at Streamtech.