3 milyong pangalan, aalisin na sa voters list ng Comelec

 

Ipinag-utos na ng Commission on Elections ang pag-alis sa listahan ng 3 milyong mga lehitimong botante na nabigong magpakuha ng kanilang biometrics data.

Magsasagawa na ng serye ng mga pagdinig ang Election Registration Board o ERB upang pakinggan ang anumang objection sa gagawing ito ng komisyon sa November 16.

Ipinag-utos na rin ng Comelec sa mga local election officer na ipaskil sa kani-kanilang tanggapan ang listahan ng mga pangalang nabigong makapagpa-biometrics at ang nga maaalis sa voters list.

Sa ilalim ng Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, isinasaad na sinumang botante na mabibigong makapagpa-biometrics bago ang May 2016 elections ay maalis ang pangalan sa listahan ng mga lehitimong botante.

Sakaling mangyari ito, hindi makakaboto ang naturang indibidwal sa nalalapit na eleksyon.

Matatandaang tinapos na ng Comelec ang registration ng mga botante noong nakalipas na October 31.

Wala na ring extension na ibinigay ang Comelec matapos ang isang taong palugit.

Read more...