Easterlies magdudulot ng maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa

Maalinsangang panahon ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies.

Ayon sa PAGASA, dahil sa easterlies ang buong Palawan, Eastern at Central Visayas at ang CARAGA Region, ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang mararanasan malakas na pag-ulan sa Palawan ay maaring magdulot ng pagbaha.

Sa nalalabi namang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon na makararanas lang ng localized thunderstorms.

Sa Biyernes sinabi ng PAGASA ay mararamdaman na ang pagbaba ng temperatura dahil sa Amihan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ang peak ng Amihan o pinakamalamig na temperatura ay mararamdaman sa Enero pa o Pebrero.

Wala namang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA na maaring makaapekto sa bansa sa susunod na mga araw.

Read more...