Sinabi ni Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, sisiyasatin ng CHR ang nasabing kautusan ng Pines City Colleges.
HIndi aniya dapat mapagkaitan ng karapatan ang mga kababaihan na makapag-aral nang dahil sa pagiging buntis.
Nag-viral kahapon sa Facebook ang kopya ng memorandum ng paaralan kung saan nakasaad ang pagpapatupad ng mandatory pregnancy test.
Isa ring dokumento mula sa paaralan ang nagsasabing ang mga buntis na estudyante ay hindi pwedeng mag-enroll sa mga kursong Clinical Dentistry, Roentgenology, Anesthesiology, at Endodontics.
Sinabi ng CHR na labag sa Magna Carta for Women ang hindi pagtanggap sa eskwelahan sa mga estudyanteng buntis.